Posibleng maipatupad na sa susunod na taon ang dating school calendar na Hunyo sa pagbubukas ng klase habang Abril hanggang Mayo naman ang bakasyon sa mga pampublikong paaralan.
Kasunod na rin ito ng kailan lamang pagkaka apruba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa imungkahing pagbabalik ng lumang school calendar.
Nauna nang inilabas ni Vice President at Education Secretary na si Sara Duterte ang Department Order (DO) No. 3 na pagkakatakda ng mga bagong petsa ng mga aktibidad sa paaralan mula Pebrero hanggang katapusan ng susunod na school year.
Ilang mga magulang sa lalawigan ng Pangasinan, ikinatuwa ang nasabing rekomendasyon lalo na at na tuloy tuloy ang naging suspensyon ng face-to-face classes dahilan ang nararanasang matinding init ng panahon.
Samantala, ilang mga lokal na pamahalaan sa lalawigan ang nagdeklara ng F2F class suspension at pag-implementa na alternative learning delivery mode ng isang linggo sa kani-kanilang nasasakupan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨