π——π—”π—§π—œπ—‘π—š π—¦π—ž π—–π—›π—”π—œπ—₯𝗠𝗔𝗑 π—‘π—š π——π—”π—šπ—¨π—£π—”π—‘ π—–π—œπ—§π—¬, π—œπ—‘π—¦π—£π—œπ—₯𝗔𝗦𝗬𝗒𝗑 π—‘π—šπ—”π—¬π—’π—‘ π—‘π—š π— π—šπ—” π—žπ—”π—•π—”π—§π—”π—”π—‘ 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗒𝗦 π— π—”π—žπ—”π—£π—”π—¦π—” 𝗦𝗔 𝗔π—₯π—–π—›π—œπ—§π—˜π—–π—§ π—Ÿπ—œπ—–π—˜π—‘π—¦π—¨π—₯π—˜ π—˜π—«π—”π— 

Inspirasyon ngayon ng mga kabataan sa Dagupan City ang dating Sangguniang Kabataan Chairman ng Barangay Mangin na si Orlando Mara Jr. matapos makapasa sa Architect Licensure Examination ngayong taon.

Bago pa man maginΔ£ isang ganap na arkitekto si Mara, nagagamit na niya ang kaniyang talento sa sining dahil kaniyang pagguhit.

Aniya, ginamit niya ang kaniyang talento sa pagguhit upang matustusan ang kaniyang pag-aaral, pangangangailangan ng pamilya maging ang gastusin nito sa pagkuha ng eksaminasyon.

Ilan lamang sa obra ni Mara ay abstract painting, still life painting at pati na rin ang color pencil portraits.

Mensahe nito sa mga kabataan “never stop learning and explore things” dahil ito umano ang huhubog sa mga bagay na makakapagpasaya sa isang tao.

Si Mara ay nakapasa noong June ngayong taon. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments