𝗗𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝟰𝗧𝗛 𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜𝗖𝗧 𝗖𝗢𝗡𝗚𝗥𝗘𝗦𝗦𝗪𝗢𝗠𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗬 𝗚𝗜𝗡𝗔 𝗗𝗘 𝗩𝗘𝗡𝗘𝗖𝗜𝗔, 𝗦𝗔𝗦𝗔𝗕𝗔𝗞 𝗠𝗨𝗟𝗜 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗟𝗜𝗧𝗜𝗞𝗔

Inihain ni Outgoing 4th District Christopher “Toff” De Venecia ang kandidatura ng kaniyang ina at dating Congresswoman Manay Gina De Venecia para sa pagka-kongresista kahapon.

Hindi napigilang maging emosyonal ng kongresista dahil umabot ito ng walo at kalahating taon na nagsilbi sa ika-apat na distrito. Bagamat magtatapos na ang kaniyang termino magpapatuloy aniya ang adbokasiya nito sa creative industry.

Ibinahagi ni De Venecia na sakaling palarin ang kaniyang ina na maihalal muli ay bibigyan nito ng atensyon ang mga programa sa ilalim ng kalikasan at sa mga kabataan.

Ang dating kongresista ay naging miyembro ng House of Representatives na kinatawan ng 4th District ng Pangasinan mula noong 2010 hanggang 2016.

Tatakbo ito sa ilalim ng partido Lakas CMD. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments