𝗗𝗔𝗧𝗢𝗦 𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗥𝗩𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗖𝗔𝗡𝗖𝗘𝗥 𝗖𝗔𝗦𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗕𝗨𝗢 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗛 𝗖𝗛𝗗-𝟭

Ibinahagi ni Dr. Rheuel Bobis ang Head ng Disease Prevention and Control ng DOH-CHD 1, na kasalukuyang gumagawa ng masterlist ang tanggapan ukol sa baseline cervical cancer cases sa Ilocos Region.

Ito ay matapos obserbahan ng Department of Health ang nakakaalarmang pagkakatala ng kaso nito dahilan upang matukoy ang cervical cancer na ikalawa sa common cancer sa kababaihan.

Ayon kay Victorino Garcia Jr., isang gynecologic oncologist sa R1MC, ang average na bilang taon-taon ay 7,800 Filipina ang nadiagnose na may cervical cancer.

Paglalahad naman ng isang OB-Gyne Resident sa parehong ospital, sa unang kwarter ng taon ay nasa 39 kaso ng naturang sakit ang naitala sa R1MC.

Kaugnay nito, hinihikayat nila ang publiko partikular sa kababaihan na magpakonsulta ng maaga upang maagapan din ito agad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments