𝗗𝗔-𝗣𝗛𝗜𝗟𝗥𝗜𝗖𝗘, 𝗡𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝟮-𝗠𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔𝗞𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗡𝗛𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗬

CAUAYAN CITY – Umabot na sa mahigit dalawang milyong sako ng binhing palay ang naipamahagi sa mga magsasaka sa rehiyon dos at Cordillera Regions mula 2020 hanggang ngayong 2024 dry season.

Ayon sa DA-PhilRice Isabela, maraming magsasaka ang tumaas pa ang ani matapos gumamit ng certified inbred seed varieties.

Nasa 4-6 tonelada na sa bawat ektarya ang naani ng mga ito mula sa dating 3-4 tonelada lamang sa bawat ektarya.


Nakatulong din sa mga magsasaka ang mga makabagong teknolohiya, pagsasanay, at mga gabay hinggil sa pagtatanim.

Ang mga binhing ibinibigay sa mga magsasaka ay sa ilalim ng RCEF Seed Program at National Rice Program.

Samantala, nakatakdang muling mamahagi ng binhing palay ang ahensya bilang paghahanda sa 2024 wet season.

Facebook Comments