𝗗𝗔 𝗥𝟬𝟮, 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗟𝗔𝗥𝗦𝗛𝗜𝗣 𝗖𝗔𝗥𝗔𝗩𝗔𝗡

 

CAUAYAN CITY- Nakatakdang maglunsad ang Kagawaran ng Agrikultura sa Rehiyon 2 ng Scholarship Caravan sa darating na ika-16 ng Hulyo taong kasalukuyan.

 

Katuwang ng nasabing ahensya sa paglulunsad ng programa ang Regional Management Committee 02.

 

Layunin nito na magbigay ng tulong pang-edukasyon para sa mga estudyanteng papasok bilang 1st year college sa mga kursong may kinalaman sa agriculture and fisheries.


 

Dagdag pa dito umaasa din ang DA na sa pamamagitan nito ay mas maraming kabataan ang papasok sa industriya ng agrikultura na maaaring maging daan sa mas lalo pang paglago ng ekonomiya sa bansa.

 

Inaanyayahan naman ang mga interesado na magregister gamit ang qr code na nasa facebook page ng DA R02.

 

Isasagawa ang caravan sa SM City Tuguegarao at magsisimula ng alas-diyes ng umaga sa nabanggit na petsa.

Facebook Comments