𝗗𝗘𝗔𝗗𝗟𝗜𝗡𝗘 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗞𝗗𝗔 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪

Cauayan City – Nakatakda ngayong araw, February 8, 2025 ang deadline ng mga magpapalista para sa libreng surgical mission na handog ng Lokal na Pamahalaan ng Cauayan at Ropali Group of Companies.

Layon ng programang ito na matulungan ang mga pasyenteng nangangailangan ng operasyon ngunit walang sapat na kakayahang pinansyal.

Gaganapin ang libreng operasyon mula February 19 hanggang 23 sa Cauayan District Hospital.


Kasama sa mga serbisyong inaalok ang gall bladder surgery, hernias, thyroid surgery, gynecological procedures, breast surgeries, cleft lips surgery, cysts surgery, lipomas, at iba pang kondisyon.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa mga City Health Office ng Cauayan.

Facebook Comments