𝗗𝗘𝗕𝗢𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗧𝗨𝗡𝗚𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚 𝗨𝗠𝗔𝗕𝗢𝗧 𝗦𝗔 𝗛𝗨𝗠𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗞𝗨𝗠𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚 𝟲𝟬𝟬𝗞

Pumalo ng humigit kumulang 600,000 ang bilang ng mga deboto na nagtungo sa pamosong Minor Basilica sa bayan ng Manaoag.

Ito mismo ang kinumpirma ni Manaoag Mayor Jeremy Agerico Doc Ming Rosario sa panayam ng IFM News Dagupan.

Ayon sa opisyal, hanggang noong Easter Sunday ay dagsa pa din ang mga nagtungo sa bayan kung saan ay hanggang sa labas at likod ng simbahan ang pila ng tao.

May mga ilang mga naitalang nawala dahil sa dami ng tao subalit generally peaceful naman aniya ang nagdaang Semana Santa sa bayan.

Kasabay nito ay naghahanda naman ang bayan sa kanilang magiging town fiesta na ginaganap tuwing ikatlong miyerkules pagkatapos ng Semana Santa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments