Sinimulan na ang declogging operation ng mga kanal sa Magsaysay Fish Market sa lungsod ng Dagupan matapos naglipana ang mga daga dito.
Ayon sa awtoridad, Ito lang ang nakikitang solusyon upang mapuksa ang mga peste sa pamilihan.
Ayon sa ilang negosyante, malaking perwisyo ang ang dala ng mga daga lalo na ang mga ito ang nagdadala ng sakit na leptospirosis.
Dahil dito, inabisuhan ng opisyal ng barangay ang mga tindera at mamimili na magsuot ng bota upang makaiwas sa sakit.
Siniguro naman ang regular na paglilinis sa mga kanal upang hindi pamahayan ng peste. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments