𝗗𝗘𝗖𝗢𝗥𝗣, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗧𝗜𝗣𝗜𝗗 𝗦𝗔 𝗞𝗨𝗥𝗬𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗞𝗔𝗛𝗜𝗧 𝗣𝗔 𝗧𝗔𝗚-𝗨𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗔

Nagpapaalala ang Dagupan Electric Corporation o DECORP na magtipid sa pagkonsumo ng kuryente kahit pa panahon na ng tag-ulan.

Ayon sa ahensya, bagamat nakitaan ng pagbaba ng demand ng suplay ng kuryente mainam pa rin na makasanayan ang tamang pagkonsumo ng kuryente ng publiko.

Binigyang diin ng DECORP na mas mainam ang pagtitipid sa kuryente kaysa gumawa ng mga ilegal na pamamaraan ng pagkonsumo gaya ng pagjujumper o iligal na pagkonekta ng kuryente.

Ilan sa ibinahaging tipid tips ng tanggapan ay ang paggamit ng solar light sa gabi, siguraduhing nakasara ang pinto at bintana kung gagamit ng aircon at paggamit ng LED bulbs. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments