𝗗𝗘𝗙𝗘𝗔𝗧 𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗙𝗔𝗕𝗜𝗔𝗡, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗜𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗞𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗡𝗧𝗥𝗔 𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘

Pinaigting ngayon sa bayan ng San Fabian ang programang Defeat Dengue Drive bilang hakbang kontra Dengue.

Maigting itong isinasagawa sa bawat barangay sa bayan nang sa gayon ay magkaroon ng kaalaman ang mga residente sa mga pamamaraan kung paano maiiwasan ang sakit na dengue.

Inaasahan na sa pamamagitan ng mga ganitong klase ng programa ay makatutulong upang hindi na madagdagan pa ang kaso ng dengue naitala sa bayan.

Sa kasalukuyan, mayroong anim na kaso ng dengue ang naitala mula sa limang barangay sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments