𝗗𝗘𝗟𝗜𝗩𝗘𝗥𝗬 𝗥𝗜𝗗𝗘𝗥, 𝗡𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔𝗪𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗨𝗦𝗧𝗢𝗠𝗘𝗥

Inireklamo ang isang delivery driver matapos umano nitong pagnakawan ang bahay ng kaniyang customer sa Brgy. Talogtog, Laoac, Pangasinan.

Ayon sa biktimang lalaki, nasa banyo ito nang dumating ang rider na 22 anyos at laking pagtataka umano nang hindi mahanap ang kaniyang bag upang mabayaran ang kaniyang parcel.

Dahil dito, pinabalik na lamang ng biktima ang rider para humanap ng ibabayad ngunit nang tignan ang CCTV, napag-alaman na tinangay ng rider ang bag nito na naglalaman ng cellphone at P3,600.

Pagbalik ng suspek sa bahay ng biktima, kinompronta ito ng barangay officials at kalaunan ay napaamin sa kaniyang pagnanakaw.

Naibalik naman ang ninakaw na pera habang narekober ang cellphone sa live-in partner ng suspek.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na haharap sa kaukulang kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments