𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘 𝗖𝗢𝗡𝗦𝗨𝗟𝗧𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗠𝗘𝗘𝗧𝗜𝗡𝗚, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗩𝗜𝗡𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘 – 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡

CAUAYAN CITY – Naidagdag sa bilang ng kaso ng mga nasawi dahil sa dengue ang apat na katao mula sa bayan ng allacapan, Abulug, Tuguegarao, at Alcala.

Kinumpirma ito ng Provincial Health Office (PHO) Cagayan matapos isailalim ang mga biktima sa review at assessment.

Kaugnay nito ay nagsagawa ng consultative meeting ang Dengue Mortality Committee ng PHO upang mapag-usapan ang mga epektibong hakbang upang matugunan ang sakit na dengue sa kanilang lugar.


Sa pinakahuling datos ng PHO, umakyat na sa 3,604 ang bilang ng kaso ng dengue sa kanilang lalawigan mula January hanggang October 2024 habang lima na ang naiulat na nasawi dahil sa nasabing sakit simula pa noong January 2024.

Samantala, nangunguna sa pinakamaraming kaso ng dengue ang bayan ng Tuguegarao na mayroong 583, sumunod nag Aparri na mayroong 282, habang ang Lasam naman ay nakapagtala ng 273 na kaso ng dengue.

Facebook Comments