Sa pagdagsa ng mga tao sa iba’t-ibang baybayin sa lalawigan ng Pangasinan ngayong kakatapos na holiday season, naglipana rin ang iba’t-ibang basura sa paligid nito.
Sa kabila ng hindi maiwasang pagkakalat, nagpaalala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region 1 sa mga bumibisita sa iba’t-ibang baybayin sa lalawigan, na ugaliing sumunod sa batas na nagbabawal sa pagtatapon ng basura sa mga hindi tamang tapunan, lalo na sa dagat o tabi nito.
Ayon sa naging panayam ng IFM News Dagupan, ang DENR ay nagsasagawa ng mga hakbang upang balaan ang mga tao na huwag magkalat sa mga baybayin o tabing dagat.
Ayon sa ahensya, ilan sa kanilang hakbang na isinasagawa ay ang pagpapaskil ng mga signages sa beach area na madaling mapansin, at nagpapadala rin sila ng mga LGU personnel upang siguraduhin ang kalinisan sa lugar.
Gayunpaman, patuloy pa rin ang naturang ahensya sa kampanya para sa mas malinis na karagatan at paligid nito, lalo na’t ang rehiyon uno ay napaliligiran ng iba’t-ibang baybayin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨