𝗗𝗘𝗡𝗧𝗔𝗟 𝗕𝗨𝗦 𝗡𝗚 𝗟𝗚𝗨 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚, 𝗔𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗗𝗔 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔-𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬

Aarangkada na sa mga barangay sa bayan ng Manaoag ang kauna-unahan nitong One Manaoag Dental bus kung saan magbibigay ito ng libreng serbisyo pagdating sa dental para sa mga residente ng bayan.

Pinangungunahan ang naturang libreng serbisyo ng Dental bus na ito ng Municipal Health Office kung saan naging posible sa pamamagitan ng isang twinning agreement sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng Manaoag at ng pamahalaang panlungsod ng Maynila.

Kaya kayang pagsabayin ng dalawang pasyente ang dental bus na gagamitin kung saan kumpleto rin sa pasilidad gaya ng aircon at dental chairs at iba pa.

Isa ang dental bus sa nakikitang makakatulong ng LGU sa pagtugon sa bilang ng mga Pilipino sa bansa na may dental problems.

Samantala, ayon sa pag-aaral ng ASEAN Journal of Community Engagement, nasa 87.4% ng mga Pilipino ang may oral health problems at nasa 48.3% ditto ay may periodontal disease o gum problems. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments