Pinalakas pa ng Department of Agriculture Regional Field Office 1 ang industriya ng organic agriculture sa rehiyon matapos pataasin ang bilang ng mga nakikibahagi sa Participatory Guarantee System (PGS) – certified organic farms.
Sa pamamagitan ng programa ay mahihikayat ang mga magsasaka na maging maalam at makapag-produce ng mga organic products.
Ayon sa National Organic Agriculture Board – Luzon representative Director Gabriel Rubio, maraming naghahanap ng organikong produkto kaso kulang naman ang produksyon nito kung kaya’t importante na may roll out ng mga PGS sa pamamagitan ng PGS groups sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa.
Sa ngayon, mayroong 15 hectares ng organic certified farms sa Ilocos Region, mas mataas kung ikukumpara noong nakaraang taon na nasa 11.33 hectares.
Naging possible rin umano ang mga programang nagsusulong sa organic agriculture dahil sa kooperasyon ng mga kaagapay na ahensya, mga organic farmers at mga local government units. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨