
Cauayan City – Inanunsyo ng Department of Information and Communication Technology (DICT) ang isang landmark agreement kasama ang Meta Facebook na naglalayong palakasin ang proteksyon ng mga Pilipino laban sa online sexual abuse at mga scam sa internet.
Ayon sa DICT, layunin ng kasunduan na gawing mas ligtas ang online environment sa bansa, lalo na para sa mga bata at mga biktima ng panloloko sa digital platforms.
Ang unang bahagi ng kasunduan ang pinaigting na kampanya laban sa Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC)
Samantala, nangako ang Meta ng mas mabilis na pagtukoy o faster detection sa child exploitation content, mas agarang pag-uulat o faster reporting sa mga awtoridad, mas mabilis na pagtanggal (faster removal) ng mga hindi maayos na content sa platform.
Binigyang-diin na prayoridad ngayon ang mas mahigpit na pagprotekta sa mga batang Pilipino laban sa pang-aabuso online.
Kasama rin sa kasunduan ang mas matibay na koordinasyon laban sa mga financial scam na kumakalat sa social media.
Target ng inisyatiba ang mga pekeng investment scheme, Phishing attacks, Digital Fraud, at Online Scamming.
Ayon sa DICT, kayunin nitong maiwasan ang patuloy na pananamantala ng mga scammer sa mga Pilipino at maprotektahan ang kanilang pera at reputasyon.
Ipinahayag ng ahensya na sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Meta, mas mapapalakas ang seguridad ng mga gumagamit ng Facebook sa bansa.
Inaasahan na ang kasunduang ito ay magreresulta sa mas maayos, mas ligtas, at mas responsableng paggamit ng social media sa Pilipinas.
📸: Department of Information and Communications Technology – DICT
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










