𝗗𝗜𝗖𝗧 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗥𝗢𝗔𝗗𝗦𝗛𝗢𝗪 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗞𝗦𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡

Binuksan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang kanilang aktibidad na Regional Roadshow sa bayan ng Lingayen, Pangasinan.

Ito ang huling regional roadshow ng DICT R1 kung saan lumahok ang iba’t ibang national government agencies, LGUs, mga private sectors, at akademya.

Ipinakilala sa mga Pangasinense ang mga serbisyong hatid ng DICT sa naturang roadshow.

Samantala, ang aktibidad rin na ito ay inihanda ng DICT bulang paggunita umano sa National ICT Month ngayong buwan ng Hunyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments