𝗗𝗜𝗚𝗜𝗧𝗔𝗟 𝗣𝗔𝗬𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢𝗡𝗚 𝗘𝗦𝗧𝗔𝗕𝗟𝗜𝗦𝗬𝗜𝗠𝗘𝗡𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗟𝗔𝗢𝗔𝗡, 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗨𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚

Inilunsad sa bayan ng Balaoan, La Union ang PalengQR PH PLus o pagbabayad gamit ang QR code mula sa mga online banking app sa mga pampublikong establisyimento.

Ang PalengQR PH PLus ay programa ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nagsusulong ng digital payment sa bawat transakyon sa mga pampublikong tanggapan tulad ng pamilihan, paradahan ng tricycle at iba pa.

Sa pamamagitan nito, hindi na kinakailangan magdala ng cash o problemahin ang panukli dahil sa digital transaction.

Mapapadali rin ang pagpapaabot ng mga serbisyo mula sa gobyerno sa mga vulnerable sectors at mapa-angat ang financial literacy ng mga market vendors, tricycle drivers at mga konsyumer. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments