Mas pinagtitibay ngayon ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City ang disaster resilience o ang pagiging matatag o pagkakaroon ng katatagan laban sa hindi maiiwasang mga kalamidad.
Alinsunod ditto, isinagawa ang isang pagtalakay at pagsasanay kaugnay sa mga kaalamang nakapaloob sa Disaster Preparedness kung saan ibinahagi ang ukol sa mga naging kalagayan ng mga nagdaang kalamidad, mga aksyon bilang paghahanda ng lungsod at iba pang kaalamang may kaugnayan dito.
Pinangunahan ang nasabing aktibidad ng ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) katuwang ang lokal na pamahalaan ng Dagupan at bilang kalahok, kaisa ang iba’t-ibang lipon ng komunidad tulad ng Barangay at SK Councils, DepEd representatives, Association of Solo Parents, Senior Citizens at iba pa.
Samantala, isa sa ihahanda ng LGU Dagupan ay ang muling pagkakaroon ng 3-storey building na Privately Hosted Evacuation Center (PHEC) na magsisilbing evacuation area sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨