𝗗𝗜𝗦𝗔𝗦𝗧𝗘𝗥 𝗥𝗘𝗦𝗣𝗢𝗡𝗦𝗘 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗪𝗘𝗦𝗧𝗘𝗥𝗡 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚

Pinaigting ng mga bayan sa Western Pangasinan ang Disater Response nito na madalas na apektado sa tuwing may bagyo.

Sa bayan ng Sual, hindi pa man naramdaman ang bagyo, nagsagawa na ng pre-emptive evacuation kung saan daan-daang residente ang sumama sa MDRRMO upang lumikas sa kanilang kabahayn na nasa coastal areas.

Ayon kay Sual LDRRMO Officer Carla Adriano, madalas na minomonitor ng ahensya sa tuwing may bagyo ay ang coastal areas gayundin sa mga bulubunduking bahagi ng bayan.

Sa lungsod ng Alaminos, ang mga kawani ng DRRMO ay lagi umanong nagsasagawa ng close monitoring sa ibang ahensya na susi umano upang mas mapaghandaan ang anomang sakuna.

Ayon naman kay Bolinao DRRM Officer Cherish Calicdan, bagamat pahirapan ang pangungumbinsi sa ilang residente na nakatira sa coastal areas sa tuwing may sakuna , nakaantabay ang mga ito sa naturang lugar sakaling kailanganin ang kanilang tulong.

Ang mga bayan sa western Pangasinan, ang lubhang nakaramdam ng hagupit ng Bagyong kristine matapos itong lumapit sa karagatan ng Bolinao.

Samantala, sa kabila ng mas pinaigting na disaster response, ilang mamamayan at grupo naman ang nananawagan na mas paigtingin din ang disaster mitigation. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments