Nais pang paigtingin ng provincial government ng Pangasinan ang Disaster Risk Reduction Management national standards sa mga barangay sa probinsya para mailapit sa mga residente ang serbisyong hatid nito.
Nagsagawa ng Incident Command System Executive course for Association of Barangay Captain President para maibigay ang tamang kaalaman para maging handa tuwing may sakuna.
Layunin din nitong palakasin ang mga kasanayan at stratehiya para makapagbigay ng tamang tugon sa anumang insidente ng panganib.
Samantala, isa rin ito sa prayoridad ng kasalukuyang administrasyon sa provincial government para maibigay ang tamang serbisyo sa lokal na komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments