Ipinasilip na sa publiko ang magiging hitsura ng pinaplanong ipatayo na panibagong hospital sa Lungsod na Dagupan na tiyak makakatulong sa publiko.
Base sa update na ibinahagi ng LGU Dagupan, kumpleto na ang mga kailangang dokumento kung saan handa na rin ang ₱150 milyon na inilaang pondo rito ng Department of Health (DOH) na siyang pumondo sa proyektong ito.
Hinihintay na lamang umano ang pirma ng iba pang konsehal ng lungsod para tuluyan na itong masimulan at maitayo.
Makakatulong ang proyektong ito sa mga taong malapit sa lugar kung saan magiging “accessible” ito sa mga residente maging ng iba pang pasyente gaya ng mahihirap na ina, bata, at maging mga senior citizens mula sa mga barangay islands tulad ng Calmay, Carael, Pugaro, Salapingao at Lomboy.
Samantala, matatandaang binisita ng mga ilang kawani ng DOH ang kasalukuyang ipinapatayong isa pang pasilidad na Super Family Health Center na matatagpuan sa Bolosan sa lungsod at inaasahang makakapagbigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga tao. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨