𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜𝗕𝗨𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗢𝗙 𝗘𝗗𝗨𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗔𝗦𝗦𝗜𝗦𝗧𝗔𝗡𝗖𝗘, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗨𝗜𝗡𝗜

CAUAYAN CITY – Maulan man ay nagsagawa pa rin ang Lokal na Pamahalaan ng Tumauini ng pamamahagi ng educational assistance sa mga LGU Tumauini scholars sa pangunguna ni Mayor Venus Bautista.

Isinagawa ito kahapon, ika-2 ng Setyembre, sa Tito Sotto hall, New Tumauini Municipal Hall, Tumauini, Isabela.

Ang educational assisstance na nakuha ng mga scholars ay para sa ikalawang semester ng academic year 2023-2024.


Layunin ng aktibidad na mabigyan ng importansya ang kanilang edukasyon at bilang tulong na rin sa kanilang pag-aaral.

Ipinahayag naman ni Mayor Bautista ang patuloy na pagsasagawa ng mga ganitong programa para sa mga mag-aaral sa bayan ng Tumauini.

Facebook Comments