Tinukoy ng Central Pangasinan Electric Corporation o CENPELCO ang dahilan kung bakit pansamantalang nawawalan ng kuryente ang ilang bahagi ng lalawigan ng Pangasinan, partikular na ang mga konsyumer nito.
Ayon sa CENPELCO, halos doble ang itinaas ng demand ngayon sa kuryente, dahil pa rin sa mainit na panahon.
Ayon sa ilang mga konsyumer, walang humpay ang paggamit nila ng cooling devices tulad ng electric fan o aircon, kaya’t aminado silang tumaas ito.
Dagdag pa ng CENPELCO, na nakararanas diumano ng overloading ang kapasidad ng kanilang mga transformer kung saan diumano ay 80-90% lamang ang standard loading nito. Kaya naman, nasisira ang mga ito na siyang nagiging dahilan ng power interruption sa mga sinusuplayan nito.
Samantala, may epekto rin diumano ang nararanasang mainit na panahon sa pagkasira ng ilang mga electrical equipments nito.
Sa ngayon, patuloy ang panawagan ng CENPELCO sa mga konsyumer na magtipid ng kuryente upang maibsan din kahit papaano ang bahagyan pagtaas ng overall demand sa Luzon Grid. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨