𝗗𝗢𝗛-𝗖𝗛𝗗 𝟭 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗞𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗨𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗜𝗪𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗩 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡

Patuloy na isinasagawa ng Department of Health- CHD 1 ang mga hakbang sa pag-iwas sa sakit na HIV at pagtulong sa mga indibidwal na dumaranas nito sa Ilocos Region.

Kamakailan lamang ay isinagawa ang candle lighting ceremony upang gunitain ang mga taong patuloy na lumalaban o pumanaw sa HIV sa buong mundo at paglulunsad ng Photo Exhibit Campaign na The Project:Fearless tampok ang sampung Ilokano na dumanas ng stigma at diskriminasyon sa pakikipaglaban sa sakit.

Kaugnay nito, sa usaping prevention ng HIV sa rehiyon pinaalalahanan ni Regional Director Paula Paz M. Sydiongco ang mga PLHIV o Persons living with HIV na regular na inumin ang antiretroviral therapy na bagaman hindi nagagamot ang sakit ay nakatutulong naman upang maiwasan ang pagdami nito sa katawan.

Bukod pa rito, patuloy ang isinasagawang pagsasanay, community-based HIV Screening and HIV Counselling at Testing.

Maaari rin na makakuha ng libreng Antiretroviral Drug and Pre-exposure Prophylaxis Drugs sa mga treatment hub sa iba’t-ibang ospital sa rehiyon kabilang ang Region 1 Medical Center sa Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments