𝗗𝗢𝗛 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗛𝗜𝗞𝗔𝗬𝗔𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢 𝗡𝗔 𝗕𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗢𝗥𝗔𝗟 𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛

Bilang selebrasyon sa Philippine Oral Health Month tuwing Pebrero, nagpaalala ang Kagawaran ng Kalusugan na malaking bahagi ng pagkalahatang kalusugan ang pangangalaga sa ngipin at bibig.
Binigyang-diin ni Department of Health Ilocos Center for Health Development Dr. Mark Jayson Mina ang matinding koneksyon sa oral health at overall well-being. Mahalaga umano ang oral health dahil ito ang unang hakbang sa digestion upang makuha ng katawan ang sustansya sa pagkain.
Ang poor oral health ay maaring maging indigestion o di kaya ay maging problema sa digestive system ng isang indibidwal.
Malaking factor din umano ang balanced diet sa pagpapanatili ng oral health na mainam para sa matibay na ngipin, gums at bibig. Upang mapanatili ang oral health, rekomendasyon ng DOH-CHD 1 ang regular na dental check up at tamang paraan ng pagsisipilyo at flossing.
𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments