𝗗𝗢𝗛-𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗖𝗔𝗡𝗖𝗘𝗥 𝗗𝗔𝗬

Muling ipinaalala ng Kagawaran ng Kalusugan ang kahalagahan ng pagpapakonsulta ng publiko sa mga pagamutan upang malaman ang sitwasyon ng kalusugan bilang pakikiisa sa selebrasyon ng World Cancer Day tuwing ika-apat ng Pebrero.

Layunin ng pagpapakonsulta ay upang maagang malaman kung may masamang dinaramdam sa kalusugan ng isang tao at upang agad na magawan ng aksyon sa pamamagitan ng pagpapagamot dito.

Paghihikayat ngayon ng kagawaran sa publiko na huwag ipagsawalang bahala ang pagpapakonsulta dahil malaki ang maitutulong nito.

Ani ng kagawaran partikular ang DOH-Ilocos Region 1 na magtungo sa pinakamalapit na Primary Care Provider para magpakonsulta. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments