𝗗𝗢𝗛-𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗧𝗔𝗥𝗚𝗘𝗧 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗭𝗘𝗥𝗢 𝗙𝗜𝗥𝗘𝗖𝗥𝗔𝗖𝗞𝗘𝗥 𝗥𝗘𝗟𝗔𝗧𝗘𝗗 𝗜𝗡𝗝𝗨𝗥𝗜𝗘𝗦 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗛𝗢𝗟𝗜𝗗𝗔𝗬 𝗦𝗘𝗔𝗦𝗢𝗡

Inumpisahan na ng lokal na pamahalaan ng Dagupan city ang mahigpit na pagtutok nito sa target na zero firecracker related incident sa lungsod sa pagdiriwang ng pasko at bagong taon ngayong Disyembre.
Una nang isinagawa ang ilang mga kaganapan sa lungsod ukol sa kampanya kontra mga ipinagbabawal na paputok sa inilunsad na Oplan Iwas Paputok 2023 katuwang ang kagawaran ng kalusugan.
Patuloy na rin ang panghihikayat ng mga lokal na pamahalaan sa mga magulang at pati mga guro sa eskwelahan ang pagbibigay ng kaalaman sa mga kabataan ukol sa maaaring pinsalang maidulot ng mga de-kemikal na paputok lalo na ang usong improvised paputok na boga.

Ayon sa awtoridad, mas mainam na gamitin ng mga kabataan maging ng nakatatanda ang mga pampaingay na walang kemikal tulad ng torotot at iwasan ng bumili ng mga naglalakihang uri ng paputok na siyang ipinagbabawal.
Samantala, maaaring alternatibong pamalit na pampaingay ngayon ay mga pito at torotot o di kaya ay mga improvised na mga bagay na maaaring makalikha ng ingay nang walang napapahamak na indibidwal. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments