𝗗𝗒𝗛, π—‘π—”π—šπ—£π—”π—”π—Ÿπ—”π—Ÿπ—” π—¨π—žπ—’π—Ÿ 𝗦𝗔 π—£π—”π—‘π—šπ—”π—‘π—šπ—”π—Ÿπ—”π—šπ—” π—‘π—š 𝗣𝗨𝗦𝗒 π—‘π—šπ—”π—¬π—’π—‘π—š 𝗕𝗨π—ͺ𝗔𝗑 π—‘π—š π— π—šπ—” 𝗣𝗨𝗦𝗒

Nagpaalala ang Kagawaran ng Kalusugan ukol sa pangangalaga ng puso ngayong Philippine Heart Month.

Ayon sa DOH, dapat na isaalang-alang ang pangangalaga nito lalo na’t maraming pilipino ang walang kamalayan ukol dito.

Hinihikayat ng kagawaran ang bawat isa na umiwas sa pagkain ng matataba maaalat na mga pagkain, pag-iwas sa pag-inom ng alak at paninigarilyo, pagkain ng gulay at mga prutas, at mag-ehersisyo.

Samantala, ipinapaalala rin nila sa bawat isa na dapat na kumunsulta sa pinakamalapit na primary care provider sa mga lugar upang maagapan o malaman ang mga dapat gawin sa pag-iwas sa sakit sa puso. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments