Hinimok ng Department of Health Region 1 ang mga magulang na ipapurga na ang mga anak kasabay ng pagdiriwang ng National Deworming Month.
Ayon kay Ms. Meryl Khristine Dela Vega, Nurse III ng DOH-CHD1, inaanyayahan ang lahat partikular na ang edad isa hanggang labing siyam na magtungo sa pinakamalapit na health centers, paaralan at ospital na maaring makapagbigay ng pang purga na albendazole na tiniyak ng kagawaran na ligtas, libre at epektibo.
Paliwanag ng DOH, makatutulong ang pagpupurga sa mga bata upang maiwasan ang malnutrisyon, anemia, mabagal na development ng pisikal na katawan ng tao at mabagal na pag-unlad ng mental. Giit ni Dela Vega, Ang mga ito umano ay kailangang makatanggap ng dalawang dose ng deworming drugs na isinasagawa tuwing Enero at ngayong buwan ng Hulyo.
Pagtitiyak ng kagawaran maiiwasan ang bulate sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay,pagsisiguro na malinis at nalutong maigi ang pagkain. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨