Sunday, February 8, 2026

‎𝗗𝗢𝗟𝗘, 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗜𝗚𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚-𝗞𝗔𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬𝗔 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗠𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗟𝗔𝗕𝗢𝗥𝗘𝗥

‎Cauayan City – Tumanggap ng tulong-kabuhayan mula sa DOLE ang isang nasugatang manggagawa at pamilya ng namatay na laborer sa Isabela matapos ang occupational safety and health (OSH) investigation.

‎Isa sa mga benepisyaryo si Brian Ed Gamboa ng Luna na nagtamo ng bali sa paa matapos masangkot sa aksidente sa isang recycling machine noong Abril 2025 dahilan upang magtamo at pansamantalang mawalan ng kakayahang magtrabaho.

‎Kasama rin sa nakatanggap ang pamilya ng construction worker na si David Ramirez, na nasawi matapos matabunan sa gumuhong excavation noong Hulyo 2025.

‎Bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng livelihood package na nagkakahalaga ng P20,000 sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program, kabilang ang kagamitan para sa snack cooking, vending, at frozen goods vending.

‎Layunin nito na makapagsimula ng maliit na negosyo at madagdagan ang kita ng kanilang mga pamilya.

‎Source: DOLE REGION 2

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments