𝗗𝗢𝗟𝗘 𝗥𝗢𝟭, 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗜𝗚𝗔𝗬 𝗕𝗔𝗕𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗖𝗔𝗠 𝗡𝗔 𝗚𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗛𝗘𝗡𝗦𝗬𝗔

Nagbigay babala ang tanggapan ng Department of Labor and Enployment Regional 1 sa publiko sa panggagamit umano sa tanggapan upang makapang-scam.

May isang tinukoy na numero ang tanggapan na tumatawag sa kung sinoman na nanghihingi ng pera at ginagamit pa ang pamgalan ng DOLE Regional Office 1 Director.

Paalala ng tanggapan, huwag magbibigay ng personal na impormasyon at magpapadala ng pera. Kung may tumawag man umano at ganito ang introduksyon ay agad i-block ang numero.

Hindi rin umano naghihingi o nagsosolicit ng pera ang mga opisyal o representatives ng DOLE. Dapat paigtingin ng publiko ang proteksyon laban sa mga scammer. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments