𝗗𝗢𝗟𝗘-𝗥𝗢𝟭, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗕𝗨𝗟𝗔𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗨𝗠𝗔𝗞𝗔𝗟𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗣𝗢𝗦𝗧 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗 𝗖𝗔𝗦𝗛 𝗔𝗦𝗦𝗜𝗦𝗧𝗔𝗡𝗖𝗘

Iginiit ng tanggapan ng Department of Labor and Employment Regional Office 1 na walang katotohanan ang isang post patungkol sa TUPAD cash assistance.

Sa naturang post, maaaring umanong makapag apply online ang mga graduating college, junior high, high school at senior high students at maaaring makatanggap ng P8, 000 kapag makakapagpasa ng school ID bilang requirement bago sumapit ang May 10. Ginamit din sa naturang post ang logo ng TUPAD program ng DOLE.

Nilinaw ng DOLE na ang TUPAD program ay hindi libreng ibinibigay sapagkat ito ay sahod ng mga benepisyaryo sa trabahong ibibigay ng hindi bababa sa sampung araw. Sa mga opisina ng DOLE at PESO sa mga bayan maaaring makipagugnagan kung nais maging benepisyaryo ng naturang programa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments