𝗗𝗣𝗪𝗛, 𝗡𝗔𝗚𝗧𝗔𝗞𝗗𝗔 𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗬𝗘𝗞𝗧𝗢; 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗔𝗙𝗙𝗜𝗖 𝗥𝗘𝗥𝗢𝗨𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗖𝗛𝗘𝗠𝗘, 𝗜𝗣𝗔𝗧𝗨𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗦𝗢

Sa unang meeting ngayong taong 2024 sa mga representante ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at kanilang kontraktor, tiniyak na matatapos ang kanilang proyekto sa AB Fernandez Ave. (March 15, 2024), Arellano St. (March 30, 2024), at MH Del Pilar St., April 15, 2024.

Kaya naman, ngayong January 6, Sabado, ay ipatutupad na rin ng Public Order & Safety Office (POSO) na pinangungunahan ni Arvin Decano ang bagong traffic rerouting scheme sa downtown business district upang mapabilis ang konstruksiyon.

Samantala, hiningi naman ng lokal na pamahalaan ang koordinasyon ng bawat sektor upang organisado at masiguro na walang magiging delay sa naturang proyekto.

Gayunpaman, nakaantabay ang mga utility companies upang tiyakin na walang nakaharang na mga kable ng kuryente, linya ng tubig, at mga telecommunication wires.

Ayon pa sa LGU, aalisin na rin, anila, ang mga harang na inilagay sa sidewalks dahil babantayan na ito, diumano ng Task Force Anti-littering at ng POSO, na siyang mamamahla sa kaayusan ng trapiko.

Naghayag naman ng suporta ang mga pribadong sektor at mga negosyanteng nakapuwesto na nadaraanan ng naturang proyekto, pahayag din nilang nauunawan nila na ito’y isang flood mitigation measure na mpapakinabangan sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments