𝗗𝗥𝗔𝗜𝗡𝗔𝗚𝗘 𝗦𝗬𝗦𝗧𝗘𝗠 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗣𝗜𝗧𝗢𝗟 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗫, 𝗞𝗔𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗗𝗘𝗩𝗘𝗟𝗢𝗣𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗣𝗟𝗔𝗡 𝗨𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗥𝗘𝗦𝗢𝗟𝗕𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗛𝗔

Kabilang sa redevelopment plan na inilatag ng Pamahalaang Panlalawigan ang pagpapalawak at pagpapalaki umano ng drainage system bilang solusyon sa pagbaha sa Capitol Complex.

Sa pahayag ni Engr. Alvin Biga, natabunan na umano ang mga dating catch basin kabilang ang tatlong lagoon sa likod ng Urduja House, sa may Pangasinan State University at Narciso Ramos Sports and Civic Center dahilan upang umapaw ang napupuntahan ng tubig baha.

Isa pa sa mga tinukoy na dahilan ng pagbaha sa Capitol Complex ay ang labis nang natabunan na drainage system sa may bahagi Baywalk.

Bukod pa dito, nauna nang nabanggit na dahilan ang matagal nang dredging sa Limahong Channel noong 1996-1997 pa. Patunay umano ang pagkakabuo ng sand bar dito na pumipigil sa agos ng tubig dahilan upang magback flow tubig baha sa Capitol Complex maging sa mga kalapit na mga barangay ng Maniboc, Pangapisan Norte, maging ilang bahagi ng Libsong West.

Nakasaad sa redevelopment plan ang proposal ng urban planner na gumawa ng drainage pass sa Maramba Blvd. Magtatayo din ng retention pond bilang unang depensa sa pagbaha.

Kaugnay nito, kapansin pansin sa kasalukuyan ang pagbubungkal sa namuong buhangin sa drainage system sa may Baywalk Area upang maibsan ang pagbaha ngayong panahon ng tag-ulan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments