𝗗𝗥𝗘𝗗𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗞𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Nakatakdang magsagawa ng dredging operation ang lokal na pamahalaan ng Manaoag matapos dumating ang bagong bulldozer na magpapabilis ng mga nakalinyang proyekto sa bayan.

Ang pagsasagawa ng dredging operation ay daan upang maiwasan ang pagbaha ngayong nararanasan na ang tuloy-tuloy na pag-uulan.

Bukod sa dredging operations, maaari rin umano itong magamit sa mga konstruksyon o excavation sa mga kakalsadahan sa bayan at pangpatag ng mga lupang sakahan.

Layunin ng lokal na pamahalaan na madagdagan ang iba pang kagamitan na maaring magamit sa pagsasaayos ng mga nakalatag na proyekto sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments