𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥, 𝗞𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗔𝗞𝗧𝗨𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗜𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔

CAUAYAN CITY – Malamig na rehas ang hinihimas ngayon ng isang tsuper matapos itong mahuli ng nga awtoridad habang gumagamit ng hinihinalang shabu.

Ayon sa ulat ng PNP Isabela, naaresto ang suspek na si alyas “Junie”, sa Barangay. Barucboc, Quezon, Isabela dahil na rin sa report ng isang concerned citizen kaugnay sa ginagawa umanong paghithit ng nasabing droga ng suspek sa loob ng isang warehouse sa nabanggit na lugar.

Kaagad naman na tumulak sa lokasyon ang mga operatiba at dito positibong nadatnan ang suspek.


Nakumpiska mula rito ang dalawang (2) pakete ng hinihinalang shabu, dalawang (2) used aluminum foil, at isang lighter.

Matapos ang imbentaryo ay kaagad na dinala sa istasyon ng pulisya ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002.

Facebook Comments