Sunday, February 1, 2026

β€Žπ——π—₯π—œπ—©π—˜π—₯ 𝗑𝗔 π—‘π—”π—šπ—¦π—”π—šπ—”π—ͺ𝗔 π—‘π—š π——π—”π—‘π—šπ—˜π—₯𝗒𝗨𝗦 𝗗π—₯π—œπ—™π—§π—œπ—‘π—š, π—¦π—œπ—‘π—¨π—¦π—£π—œπ—‘π——π—˜ π—‘π—š π—Ÿπ—§π—’

β€ŽCauayan City – Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng isang driver matapos kumalat sa social media ang video nito na nagsasagawa ng dangerous drifting sa Tuguegarao City Rotonda.
β€Ž
β€ŽSa video makikita ang isang Hyundai Genesis Coupe na gumagawa ng reckless maneuvers sa pampublikong lugar, na naglalagay sa panganib sa kaligtasan ng publiko.
β€Ž
β€ŽAyon kay LTO Chief Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, agad na inisyuhan ng Show Cause Order (SCO) ang may-ari at driver ng sasakyan.
β€Ž
β€ŽLumabas din sa imbestigasyon na walang suot na seatbelt ang driver at expired ang rehistro ng sasakyan mula Hulyo 23, 2024.
β€Ž
β€ŽInatasan ang mga sangkot na humarap sa LTO Intelligence and Investigation Division sa Pebrero 4, 2026 upang magpaliwanag sa posibleng paglabag tulad ng reckless driving, seatbelt law, at compulsory vehicle registration.
β€Ž
β€ŽSamantala, ipinatupad na ang 90-days license suspension at inilagay sa alarm status ang sasakyan habang isinasagawa ang imbestigasyon.
β€Ž
β€ŽIginiit ng LTO na mahigpit nitong ipatutupad ang batas trapiko upang mapanatili ang kaligtasan sa mga kalsada.
β€Ž
β€ŽSource: LAND TRANSPORTATION OFFICE

————————————–
β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments