𝗗𝗥𝗥𝗠𝗢𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗔 𝗔𝗟𝗘𝗥𝗧𝗢 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡 𝗞𝗔𝗛𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗟𝗔𝗕𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗦𝗔 𝗦𝗜 𝗖𝗔𝗥𝗜𝗡𝗔

Nanatiling naka alerto ang mga Disaster Risk Reduction and Management Offices sa lalawigan ng Pangasinan kahit pa nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility si Bagyong Carina.

Bunsod ito ng pag-ulan na nararanasan ng probinsya at naitatalang pagbaha sa ilang bayan.

Ang pagbabantay sa mga hazard prone areas at pag gabay sa mga residente ngayong tag-ulan ang tinututukan ng mga tanggapan bilang pagsisiguro sa kahandaan ng publiko ngayong may namataang LPA sa labas ng PAR.

Patuloy naman ang paalala ng mga ito na makiisa sa gagawing pre emptive evacuation kung ito ay inirekomenda upang maiwasan ang mas malalang insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments