Ginawaran ng mga kawani mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga barangay sa bayan ng Manaoag na naideklara nang drug cleared.
Nasa labing-anim na mga barangay na sa kasalukuyan ang matagumpay na nakamit ang usapin kaugnay sa pagiging malaya mula sa ilegal na droga, partikular ang mga barangay ng Bisal, Bucao, Calaocan, Leleemaan, Licsi, Lipit Sur, Matulong, Mermer, Oraan East, Oraan West, Pantal, Parian, Santa Ines, Sapang, Tebuel at San Ramon.
Nagpapatuloy ang kampanya laban sa droga ng lokal na pamahalaan ng Manaoag sa pamumuno ni Mayor Rosario katuwang ang iba’t-ibang sektor pa ng bayan.
Samantala, layong makamit sa bayan na lahat ng barangay nito ay maideklarang drug free. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments