𝗗𝗥𝗨𝗚 𝗗𝗘𝗡 𝗡𝗔 𝗠𝗜𝗡𝗜𝗠𝗜𝗡𝗧𝗜𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗔𝗦𝗔𝗪𝗔, 𝗦𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗢𝗧𝗢𝗥𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Arestado ang anim katao kabilang ang mag asawang sinasabing nagmimintina ng Drug Den at halos ₱100k halaga ng shabu sa sinalakay na drug den sa Dagupan City.
Ayon sa naging panayam ng IFM Dagupan kay PDEA Pangasinan Provincial Officer Rechie Camacho, hinalughog ng mga ito ang isang sinasabing drug den sa bahagi ng Sitio Aling, Barangay Pantal Dagupan City pasado alas kwatro ng madaling araw.
Aniya matagal din umano nilang minanmanan ang nasabing Drug Den bago ikasa ang Search Warrant Implementation laban sa ginang na sinasabing maintainer kung saan kasama ang asawa nito sa nahuli at apat na iba pa.

Habang nakakumpiska naman sa lugar ang mga awtoridad ng aabot sa labing limang Sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng labing apat na gramo na nagkakahalaga ng aabot sa mahigit ₱95k.
Nahaharap na Ngayon sa Patong Patong na kaso ang mga naarestong suspek.
Ayon sa opisyal, sa buong lalawigan ng Pangasinan ay umaabot na sa humigit kumulang apat na milyong piso na ang nakumpiska ng mga PDEA sa lalawigan ng Pangasinan ngayong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments