𝗗𝗥𝗨𝗚 𝗙𝗥𝗘𝗘 𝗙𝗔𝗖𝗜𝗟𝗜𝗧𝗬, 𝗧𝗔𝗥𝗚𝗘𝗧 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗕𝗝𝗠𝗣 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗝𝗔𝗜𝗟 𝗗𝗢𝗥𝗠𝗜𝗧𝗢𝗥𝗬

Kumpiyansa ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Dagupan City na makakamit ng Dagupan City Jail Dormitory ang pagiging Drug Free Facility matapos pumasa sa mga pamantayan o regulasyon. Ayon sa tanggapan ng BJMP Dagupan City, naabot naman ng kanilang tanggapan ang isa sa pamantayan kung saan ang negatibong resulta sa drug test pagdating sa kanilang mga kawani.

Nag-negatibo rin sa resulta sa isinagawang random drug test ang 20% sa mga Persons Deprived of Liberty sa naturang dormitory.

Sunod-sunod din umano ang isinasagawa nilang mga anti-illegal drugs symposium, loob at labas man ng jail dormitory kaya naman hinihintay na lamang ng BJMP ang opisyal na certification bilang pagiging drug free facility ng Dagupan City Jail Dormitory. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments