𝗗𝗥𝗨𝗚 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡𝗔𝗟𝗜𝗧𝗬 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗦𝗨𝗥, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗞𝗢𝗧𝗘

Timbog sa bisa ng isinagawang search warrant implementation ng PDEA – Ilocos Sur at Ilocos Sur PPO – Provincial Drug Enforcement Unit ang isang drug personality sa lalawigan ng Ilocos Sur.

Kinilala ang suspek na isang 37 anyos, residente ng Baliw Laud sa bayan ng Sta. Maria.

Nabisto ang dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu na halos dalawang gramo at nagkakahalaga ng mahigit labing-tatlong libong piso, kasama pa ang dalawang piraso ng puting papel, dalawang piraso ng foil strips, selpon, lighter at plastic sachet.

Haharap ang suspek sa paglabag sa RA 9165 at kasalukuyang nasa kustodiya na ng Sta. Maria Police Station. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments