𝗗𝗥𝗨𝗚 𝗣𝗨𝗦𝗛𝗘𝗥 𝗡𝗔 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗡𝗜𝗡𝗜𝗪𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗣𝗟𝗔𝗬𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗬𝗡𝗜𝗟𝗔, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔

CAUAYAN CITY – Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos itong makuhanan ng kilo-kilong marijuana sa Brgy. Santor Rizal, Kalinga, kamakailan.

Kinilala ang suspek na si alyas Arnel, nasa hustong gulang, at residente ng nabanggit na Barangay.

Sa bisa ng inimplementang search warrant, nakuha mula sa posesyon ng suspek ang walong (8) bricks ng marijuana leaves at stalks, tatlong (3) tubular form, dalawang (2) sako ng hinihinalang marijuana leaves at stalks na umabot sa 29.3 kilos, dalawang (2) maliit na bote ng hinihinalang marijuana oil, timbangan, at baril.


Samantala, bukod sa Kapulisan ng Kalinga, kasama rin sa nag implementa ng operasyon ang PDEA-NCR dahil pinaniniwalaang dito umano nagmumula ang mga marijuanang ibinebenta sa lungsod ng Maynila.

Facebook Comments