๐——๐—ฅ๐—จ๐—š ๐—ฅ๐—˜๐—™๐—ข๐—ฅ๐— ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—–๐—˜๐—ก๐—ง๐—˜๐—ฅ ๐—ก๐—” ๐— ๐—”๐—ง๐—”๐—ง๐—”๐—š๐—ฃ๐—จ๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—•๐—จ๐—ฅ๐—š๐—ข๐—ฆ ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—”๐—ก, ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐— ๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—ง๐—œ๐—ก๐—”๐—ž๐——๐—” ๐—•๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ ๐—ฆ๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—•๐—œ๐—ก๐—ฆ๐—ฌ๐—”

Pormal nang itinakda ngayong araw ika-7 ng Disyembre ang isang Drug Reformation Center na matatagpuan sa bayan ng Burgos, Pangasinan bilang Balay Silangan ng probinsya.
Dahil dito naganap ang pirmahan ng Memorandum of Understanding (MOU) at Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan na pinangunahan ni Governor Ramon Guico III maging ng ibaโ€™t ibang mga ahensya gaya na lamang ng PDEA Region 1 sa pangunguna din ni Regional Director Joel B. Plaza, Burgos Police Station, BFP, DSWD, DILG, DEPED, TESDA, Religious Sector, RHU at marami pang iba.
Ayon kay Guico, ang pagpapatupad at pagpapalakas ng community-based action plan sa pamamagitan ng Balay Silangan Reformation Program ay isang Magandang oportunidad ng lalawigan na tumulong sa reporma o pagbabago sa mga drug offenders bilang self-sufficient at masunurin sa batas na mga indibidwal.
Matatandaan na inilunsad ng PDEA ang pasilidad na โ€œBalay Silanganโ€ na naglalayong magtayo ng pansamantalang tirahan para sa mga drug offenders kung saan isa itong community-based rehabilitation program makapagbigay ng pagkakataon na sila ay makapagbagong buhay sa pamamagitan ng ibaโ€™t ibat aktibidad sa loob ng isang buwang pananatili sa loob.
Samantala, sa Rehiyon Uno mayroon ng 49 na Balay Silangan ang naitayo sa ibaโ€™t ibang lugar sa rehiyon. |๐™ž๐™›๐™ข๐™ฃ๐™š๐™ฌ๐™จ
Facebook Comments