CAUAYAN CITY – Isinagawa kahapon, ika-11 ng Oktubre, ang Drum and Lyre Cultural Mass Demonstration sa harap ng Our Lady Of Pillar Parish Church.
Nagpamalas ng galing sa pagtugtog ng mga drums at lyres ang mag-aaral mula sa grade school department ng Our Lady of the Pillar College – Cauayan, Incorporated (OLPCC).
Samantala, apat na grupo naman ang nagtanghal sa cultural show kabilang na ang Junior High School Department at Senior High School Department ng OLPCC, Saint Clare College, at Cauayan National High School.
Ayon sa Cultural of Arts Coordinator ng OLPCC Grade School na si Mr. Nazrene Genesis Villoso, ang naturang aktibidad ay nagpapakita ng talento ng mga mag-aaral sa larangan ng musika at pagsasayaw.
Dagdag pa niya na ang nasabing Drum and Lyre Cultural Mass Demonstration ay daan upang ma-enjoy ng mga bisitang dadalo sa selebrasyon ang festivity ng Nuestra Señora Del Pilar.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi pa rin ng pagdiriwang ng 283rd Patronal Fiesta.