𝗗𝗦𝗪𝗗 𝗙𝗜𝗘𝗟𝗗 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘 𝟮 𝗔𝗧 𝗟𝗚𝗨 𝗖𝗔𝗕𝗔𝗚𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗬𝗠𝗣𝗢𝗦𝗜𝗨𝗠

CAUAYAN CITY – Bilang pagsisimula muli ng Project STAR o Start Towards Academic Reintegration, nagsagawa ng symposium ang DSWD Field Office 2 katuwang ang LGU Cabagan.

Ang nasabing symposium ay nilahukan ng 23 na mga bata at kabataan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na hindi na pumapasok sa paaralan.

Naglalayon ang symposium na itanim sa isip ng mga lumahok ang importansya ng edukasyon.


Ang Project STAR na inilunsad ng Provincial Operations Office ng Isabela noong 2023 ay nakahanay sa Bata Balik Eskwela campaign, ng ahensya kung saan may layunin itong matiyak na ang lahat ng bata ay may pagkakataong makapag-aral.

Nagbigay naman ang Pacific Star International Employment Agency Corporation ng mga school supplies na ipinamahagi sa mga kalahok.

Facebook Comments