
CAUAYAN CITY โ Nagsagawa ng oryentasyon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 2 para sa mga pilot beneficiaries ng Walang Gutom Program sa bayan ng San Mariano, Isabela.
Sa nasabing aktibidad, 31 kinatawan mula sa ibaโt ibang barangay ng nabanggit na bayan ang lumahok.
Tinalakay rito ang tungkulin at gampanin ng Barangay Local Government Unit (BLGU) upang masiguro na magiging maayos ang maipapatupad na programa at mapakikinabangan ng mga benepisyaryo.
Naglalayon ang oryentasyon na mapalawak ang kaalaman ng mga benepisyaryo hinggil sa implementasyon ng nasabing programa.
Facebook Comments