Sa naobserbahang pagtaas ng insidente ng sunog ngayong 2024 kompara sa parehas na period noong nakaraan, binigyang-diin ng DSWD Field Office 1 na paigtingin ang fire safety practices hindi alinsunod sa buwan.
Ayon kay DSWD Region 1 officer-in-charge chief ng Disaster Response Management Division, hindi dapat malimitahan ang fire prevention ngayong Marso dahil maaring magkasunog ano mang oras kaya maigi na palaging maging maingat.
Pinaalalahanan ng kagawaran ang publiko na itapon nang maayos ang flammable materials, wag iwanan ang niluluto, at tanggalin sa saksakan ang appliance na di ginagamit upang makaiwas sa sunog. Maigi rin na kabisaduhin ang emergency evacuation plan ng gusaling tinitirhan pati ang emergency hotlines sa lugar. Magreport agad sa local government unit bilang sila ang kinikilalang first responders sa mga ganitong sitwasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨